Problema: Pag dumidighay po ako, amoy pagkain po ito lalo na pagkatapos kong kumain. Ano po kaylangan kong gawin kasi nahihiya po ako sa mga kasama ko.
Solusyon:
Ang pagdighay ay sinasabing isang senyales na ang tao ay busog na.
Mga tips para di ikahiya ang pagdighay:
1. Pagkatapos kumain, uminom ng pabango ng sa gayon pag dighay mo...hmmm, ang bango.
2. Sabayan mo ng pag utot ang dighay mo para mas lumitaw ang amoy ng utot kesa hangin na galing sa bibig mo.
3. Pag dighay mo, takpan mo ang ilong ng kausap mo at sabay tanungin sya kung nagpa nose-lift ba sya.
4. Sabihin mo sa mga kasamahan mo maglaro kayo. Ang tawag sa game nyo ay "Name that food".. sabay dumighay ka at tanungin sila kung anong ulam yon.
Sana'y nabigyan ko ng sapat na kasagutan ang inyong problema. Kaya't wag ng mangamba. Ang bawat problema ay may katapat na mga solusyon.
Mga tips ko lang naman para sa inyong problema.
Wednesday, June 22, 2011
Agarang Solusyon sa Problema.. Kuyakoy
Problema: Paano ba maiiwasan ang pagkuyakoy? Kahit kasi nasa public place ako ay di ko maiwasang di kumuyakoy.
Solusyon:
Ang pagkuyakoy ay ang pagclose-open ng iyong mga hita. Sabi nila pag mahilig ka daw manguyakoy, ikaw daw ay mahilig sa... kuyakoy.
Paraan upang maiwasan ang pagkuyakoy:
1. Imbes na magsuot ka ng belt sa bewang, try mong gamitin ito sa iyong hita. Ipalupot mo to sa iyong hita at pihadong tanggal ang pagkuyakoy mo.
2. Kumuha ng tubo na may habang 12" at ilagay ito sa pagitan ng iyong hita..pa-horizontal ang lagay. Babala: Wag mong itry kumuyakoy kung ayaw mong tumusok ang tubo sa hita mo..ouch!
3. May paraan din para instant tigil kuyakoy..kumuha ng lagare at ipalagare mo sa kaibigan mo ang hita mo..kung pwede hanggang singit..presto! wala ng kuyakoy..wala na rin ang binti mo.
Sana'y nabigyan ko ng sapat na kasagutan ang inyong problema. Kaya't wag ng mangamba. Ang bawat problema ay may katapat na mga solusyon.
Mga tips ko lang naman para sa inyong problema.
Solusyon:
Ang pagkuyakoy ay ang pagclose-open ng iyong mga hita. Sabi nila pag mahilig ka daw manguyakoy, ikaw daw ay mahilig sa... kuyakoy.
Paraan upang maiwasan ang pagkuyakoy:
1. Imbes na magsuot ka ng belt sa bewang, try mong gamitin ito sa iyong hita. Ipalupot mo to sa iyong hita at pihadong tanggal ang pagkuyakoy mo.
2. Kumuha ng tubo na may habang 12" at ilagay ito sa pagitan ng iyong hita..pa-horizontal ang lagay. Babala: Wag mong itry kumuyakoy kung ayaw mong tumusok ang tubo sa hita mo..ouch!
3. May paraan din para instant tigil kuyakoy..kumuha ng lagare at ipalagare mo sa kaibigan mo ang hita mo..kung pwede hanggang singit..presto! wala ng kuyakoy..wala na rin ang binti mo.
Sana'y nabigyan ko ng sapat na kasagutan ang inyong problema. Kaya't wag ng mangamba. Ang bawat problema ay may katapat na mga solusyon.
Mga tips ko lang naman para sa inyong problema.
Adobo
Noong unang dating ko dito sa Amerika, di ko alam ang lulutuin kong pagkain para sa asawa ko. Iba kasi ang mga trip nilang pagkain. Sinubukan kong magluto ng Adobo..bahala na. Dahil sa mahilig sya sa spicy food, nilagyan ko ito ng Jalapeno. Ayun at halos araw-araw gusto na nya ng kanin at adobo. Dahil ayaw ko namang maumay sya sa lasa ng adobo, sinubukan kong magluto ng adobo sa iba't-ibang paraan.
Kaakibat na nga ng bawat Pilipino ang pagkaing "ADOBO".
Ang Adobo ay isang kilalang pagkain dito sa Pilipinas kahit na ang salitang "Adobo" ay nagmula sa salitang kastila, ang proseso ay mula pa sa katutubo o sinaunang paraan ng pagluluto ng mga Pilipino.
Noong sakupin ng mga Kastila ang Pilipinas, naranasan nila ang sinaunang paraan ng pagsasangkutsa sa pagluluto na ginagamitan ng suka. Ito ay tinawag nilang "Adobo" na ang ibig sabihin sa Kastila ay seasoning o marinade.
Karaniwang baboy o manok o pinaghalong baboy at manok ang karaniwang sangkap ng Adobo. Niluluto ito sa suka, toyo, dahon ng laurel at paminta.
Sa ngayon, may ibat-ibang paraan na ng pagluluto ng Adobo bukod sa mga pangunahing sangkap nito. Hindi ko na din mabilang ang iba't-ibang putahe na magagawa mula sa adobo. Nandyan ang lagyan ng gata, nilagang itlog, adobong sitaw, adobong pusit at marami pang iba.
Ayan at ginutom tuloy ako..kain muna tayo..Happy ADOBO eating :)
Tuesday, June 21, 2011
Reklamo
Bakit ba kada kilos na lang natin, wala na tayong bukambibig kundi reklamo? Mula paggising hanggang pagtulog.
Paggising mo pa lang, imbes na magpasalamat ka, reklamo na kagad ang sinasabi mo. "Nakakainis naman at nagising ako sa tilaok ng manok." E kung di ka na kaya nagising? Gusto mo?
Pagpasok ng trabaho, reklamo pa din.."Hay, Lunes na naman, kakatamad pumasok"..buti ka nga at may trabaho ka. Ikaw kaya pumila at makipag gitgitan ng ilang oras sa job fair para lang makakuha ng work? Like Mo?
Sa pagkain mo.."Ano ba yan, isda na naman. Tutubuan na ko ng kaliskis nyan e." Eh kung tubuan ka kaya ng ibat-ibang sakit dahil pagpag o kaya panis na pagkain ang kinakain mo tulad na lang ng mga batang kalye na namumulot lang sa basura ng kanilang makakain? Bet mo?
Sa pagpasok sa school.. "Ano ba yan, daming aaralin, kainis". Buti ka nga nakakapag aral ka..pano na kaya yung mga gustong mag aral kaso walang pampaaral dahil kapos sila O kaya nag aaral nga pero nagtitiis sa liwanag ng buwan para lang makapag aral?
Sa pag uwi mo ng bahay sakay ng fx.."Ang sikip naman". Pano pa kaya yung mga naglalakad na lang makauwi lang ng bahay dahil walang perang pansakay sa fx o jeep? Try mo lang one time..
Sa pagtulog naman.. "Ano ba yan, ang tigas ng kama ko". Kumusta naman diba yung mga batang natutulog sa semento na wala man lang kahit anong papag na tinutulugan o kumot man lang? Ikaw kaya matulog sa ilalim ng tulay o gilid ng kalsada. I dare you.
At marami pang maliliit na bagay ang nirereklamo mo na para bang ikaw na ang pinaka malas na tao sa buong mundo.
Bago ka magreklamo, isipin mo muna ang mga tao sa paligid mo na ipinagpapasalamat ang mga maliliit na bagay na nararanasan nila.
Magpasalamat ka at nagising ka at binigyan ka na naman ng panibagong araw.
Magpasalamat ka dahil may trabaho kang pinapasukan.
Magpasalamat ka dahil nakakakain ka ng 3 beses sa isang araw.
Magpasalaat ka dahil nakakapag aral ka.
Magpasalamat ka dahil may nasasakyan ka pauwi.
Magpasalamat ka dahil may natutulugan ka.
Higit sa lahat, magpasalamat ka at sinulat ko to para marealize mo na swerte ka pa rin. Subukan mong magreklamo sa ginawa ko..one time lang.. i dare you..baka di ka na magising bukas! :)

Sunday, June 19, 2011
Tunay na Kaibigan...nga ba?
Kailan mo masasabi na ang pagkakaibigan ninyo ay tunay at walang iwanan?
Sa oras ng tawanan, kasiyahan, inuman, kantahan o harutan? O sa oras ng iyakan o kalungkutan? E sa panahong may pera ka o sa panahong lugmok ka sa kahirapan?

Nung bata pa tayo, masaya na tayo kung may kalaro tayo sa habulan, patintero, bahay-bahayan o taguan. Nung nagdadalaga naman, kuntento na tayo ng may kakwentuhan at kaharutan. Nung nagcollege, ok na tayo sa may kainuman at may kasama sa gimikan.
Pero bakit unti-unti ng nawawala ang pagsasamahan kapag may umaalis at dumadating na bagong kaibigan?

Nakakalungkot mang isipin na sa matagal nyong pagsasama bilang magkaibigan ay bigla na lang mawawala ang pinagsamahan. Dahil ba busy na o dahil may iba ng pinagkakaabalahan?
Busy?..Weeeh! Di nga? May bagong pinagkakaabalahan? So, pampalipas oras mo lang ang pakikipagfriends..kumbaga sa libro, pagkatapos mo sa isang chapter..next chapter ka na at never mo ng babalikan ang naupisahan o kaya parang cellphone..throw mo na lang ang nokia 5110 at hello android.
Well, kung sa inaakala mo na parang gamit lang ang pakikipagkaibigan na pag di mo na napapakinabangan e etsapwera na sa buhay mo..aba, e mag isip-isip ka.. baka sa bandang huli, babalik at babalik ka rin sa mga old friends mo kasi sila pala ang tunay na kaibigan na makakatulong at magpapasaya sa yo sa oras na wala ka ng mapuntahan.

Kaya kung ako sa inyo..lahat ng taong naging kaibigan at parte ng buhay nyo, pahalagahan nyo..Ika nga ng commercial.. IBA ANG MAY PINAGSAMAHAN... isang bote lang ang katapat nyan.
Calamansi Tea
Kenny: Honey, do you know Kelemansi Tea? (that's how he pronounced it)
Me: Oh, of course..we have Calamansi Tea in the Philippines.
Kenny: Really? Cool.
When we passed by a road, there's a sign...
Kenny: See honey..that's Kelemansi Tea (that's how he pronounced it again)
When i looked at the sign, it says "KETTLEMAN CITY"
Saturday, June 18, 2011
Natatanging Ama
Ngayong Father's Day, nais ng bawat anak na makasama nila ang kanilang ama sa araw na ito. Isa na ko sa mga nag aasam na sana ay kasama ko ang papa ko ngayon.
Pero kahit na nasa parehong bansa kami ng aking ama, di pa rin posible na makasama ko sya ngayon. Gayunpaman, iniisip ko na lang na araw-araw ay Father's Day. At para ano pa ang silbi ng cellphone kung di ko rin lang gagamitin pantawag sa kanya. Kung gusto may paraan diba?
Sino nga ba ang aking ama sa mga taong nakapaligid sa kanya? Kumbaga sa artista, maraming sumusuporta sa kanya at may mangilan-ngilan ding detractors ang bida.
Vice, Pre, Pareng Dewey, Mang Dewey, Ninong Dewey, Mr. Camaso..ilan lang yan sa bansag sa kanya ng ibat-ibang tao na nakakasalamuha nya. Pa, Pader, Papa..yan naman ang tawag naming magkakapatid sa kanya.
Di alam ng maraming tao na ang aking ama ay isang ulirang ama. Nung bata pa kami, kahit kapos sa pera, gagawin nya lahat ng makakaya nya, katuwang ang aking ina maibigay lang sa amin ang simple ngunit kuntentong buhay.
Naalala ko pa noon nung naging pulitiko sya sa probinsya namin, halos wala syang maiuwing pera sa amin kasi maya't maya ay may humihingi ng tulong pinansyal sa kanya..bigay doon, bigay dito. At masasabi kong di kaylan man gumawa ng labag sa utos ng Diyos ang aking ama nung may katungkulan pa sya. Kasi isang pirma lang nya sa bawat proyekto, instant millionaire na sana kami. Tama na sa amin ang simpleng buhay na pinaghirapan.
Nung nawala na sya sa pulitika, doon nasubok ang pagka-ama nya sa amin. Proud akong ipagmalaki na ang tatay ko ang naglalaba at namamalantsa ng damit namin, nagluluto, naglilinis ng bahay, namamalengke..(sa madaling salita, pinalaki akong tamad :)) Kahit wag na daw ako gumawa ng gawaing bahay at magtapos lang daw ako ng pag aaral, masaya na sya. Tinupad ko naman yon at binigyan ko sya ng isang mahalagang bagay para sa kanya..ang diploma.
Hanggang nung magtrabaho sya uli, di pa din sya huminto sa pagigging ulirang ama sa amin. Yun nga lang nabawasan na ang mga gawaing bahay na ginagawa nya kasi huminto na sa pagtatrabaho ang aming ina para asikasuhin kami. Pero gayunpaman, sya pa din ang naglalaba at namamalantsa ng damit ko, naglilinis ng sasakyan, namamalengke, nagluluto. Kahit na 100 na lang ang pera nya sa wallet bago pumasok sa work nya, hahatian pa nya ko ng allowance ko.
Sa mga taong lubos na nakakakilala sa pader ko, isa syang mabuting kaibigan. Kapag may humingi ng tulong sa kanya, hanggat kaya nya, tutulong sya ng walang hinihinging kapalit.
Sa mga detractors naman nya, na halos tapakan nila ang pagkatao ng tatay ko at kung anu-anong pambabatikos ang sinasabi nila sa kanya..eto lang ang masasabi ko sa inyo..YOU CAN NEVER PUT A GOOD MAN DOWN...NEVER!!!
Happy Father's Day Papa.. I will always be your little princess...I love you so much.

ALAY
Kala ko masusubok na ang pagkamaldita ko ngayon.
Aba sa walang dahilan at biglang tinoyo asawa ko. Iwan ko nga at nagfb na lang ako.
Maya-maya e lumapit at nagsorry..syempre ako naman pakipot. Bakit daw ako tahimik? Kesa mag explain ako sa wikang banyaga (which is mahirap gawin), umirap na lang ako sabay sabing "nothing" (mas madaling sabihin).
Lumabas sa kwarto..di yata effective ang pagpapakipot ko.
After 5 mins. bumalik..may dalang bulaklak na pinitas sa bakod namin. Nilagay sa lamesa ko. Gawin daw ba kong poon..Kunwari dedma pa din ako pero pag talikod nya, napangiti ako at kinilig.
Maya-maya eto na naman sya at may dala..isang shot ng whisky at soda. Dedma pa din ako pero pagtalikod nya uli, napangiti uli ako at syempre kinilig sabay inom sa dala nya.
Maya-maya eto na naman at bumabalik..nadismaya ako kasi walang bitbit na pulutan. umupo sya sa tabi ko at sabay sabi ng "I love u and im so sorry". Natawa ako sabay sabi ng "I love you too"..Di na daw ba ko galit? Aba e sa ginawa mong effort, magagalit pa ba ko...pero syempre di ko na sinabi sa kanya yun..mahaba e. Smile na lang ako mas maigi pa.
Payo: sa taong galit, subukan mong mag alay ng bulaklak at alak..siguradong pagsasama nyo'y magiging busilak :)
Abangan ang susunod na kabanata..
Subscribe to:
Posts (Atom)