Wednesday, June 22, 2011

Adobo


Noong unang dating ko dito sa Amerika, di ko alam ang lulutuin kong pagkain para sa asawa ko. Iba kasi ang mga trip nilang pagkain. Sinubukan kong magluto ng Adobo..bahala na. Dahil sa mahilig sya sa spicy food, nilagyan ko ito ng Jalapeno. Ayun at halos araw-araw gusto na nya ng kanin at adobo. Dahil ayaw ko namang maumay sya sa lasa ng adobo, sinubukan kong magluto ng adobo sa iba't-ibang paraan. 


Kaakibat na nga ng bawat Pilipino ang pagkaing "ADOBO". 


Ang Adobo ay isang kilalang pagkain dito sa Pilipinas kahit na ang salitang "Adobo"  ay nagmula sa salitang kastila, ang proseso ay mula pa sa katutubo o sinaunang paraan ng pagluluto ng mga Pilipino. 


Noong sakupin ng mga Kastila ang Pilipinas, naranasan nila ang sinaunang paraan ng pagsasangkutsa sa pagluluto na ginagamitan ng suka. Ito ay tinawag nilang "Adobo" na ang ibig sabihin sa Kastila ay seasoning o marinade.


Karaniwang baboy o manok o pinaghalong baboy at manok ang karaniwang sangkap ng Adobo. Niluluto ito sa suka, toyo, dahon ng laurel at paminta. 


Sa ngayon, may ibat-ibang paraan na ng pagluluto ng Adobo bukod sa mga pangunahing sangkap nito. Hindi ko na din mabilang ang iba't-ibang putahe na magagawa mula sa adobo. Nandyan ang lagyan ng gata, nilagang itlog, adobong sitaw, adobong pusit at marami pang iba. 








Ayan at ginutom tuloy ako..kain muna tayo..Happy ADOBO eating :)

1 comment:

  1. Hi Lordee! May blog ka rin pala? At nauna ka pa? I follow you na. How I wish matikman ko ang isa sa iyong recipe ng adobo someday. hehehehe

    ReplyDelete