Saturday, May 12, 2012

Inay

Ngayon ay araw ng ating mga ina. Nangangahulugan ba itong exempted na sila sa paglilinis nga bahay, pag aalaga ng bata, paglalaba, pamamalantsa at kung anu-ano pa? Pwede bang ibigay na natin sa kanila ang isang araw para sila'y makapagpahinga? Pero para sa ating mga ina, mas gugustuhin nilang gumawa kesa tumunganga.

Kung iisipin natin, hindi madali ang maging isang ina mula simula hanggang sa kasalukuyan.
Try mo kayang bitbitin ang isang malaking pakwan ng siyam na buwan na walang bitawan..kaya mo?

At habang dala-dala mo ang pakwan, try mo gawin ang lahat ng gawaing bahay o magtrabaho sa labas..tignan ko lang kung hindi lumawit ang dila mo sa hirap o di kaya'y mapasigaw ka na lang ng "I Quit!!!".


Pero kaya nga tayo nandito sa mundo kasi alam natin na di sumuko ang ating mga ina since day 1 hanggang ngayon. Wala na sigurong mas sasaya pa sa isang ina ang masilayan sa unang pagkakataon ang sanggol na dala-dala nila ng siyam na buwan.


Sinasabi nila na ang pagiging isang ina ang isa sa pinakamahirap na trabaho sa mundo. Mahirap pero masaya nilang ginagampanan ang tungkulin ng pagiging isang ina.

Sakripisyo..isang salita na di na iba sa ating mga ina maibigay lang ang lahat para sa kanilang anak. Sakripisyo sa oras, sa trabaho, sa pagpapalaki at pag aaruga sa atin. Di nila alintana ang hirap maipalasap lang sa atin kung gaano nila tayo kamahal. Tinitiis nila ang anu mang hirap na dumarating sa buhay nila kahit na minsan ay nasasaktan na sila ngunit patuloy pa rin nila tayong iniintindi at inuunawa.

Inay, Nay, Mommy, Mother, Mudra, Mom, Mama, Mamadu..yan ay ilan lamang sa bansag natin sa ating mahal na ina. Iba't-ibang tawag pero iisa lang ang kahulugan..sya ay ang ating nag iisang ina na walang sinuman o anumang bagay ang maihahalintulad sa kanya.

Saludo ako sa lahat ng ina at tunay ngang maipagmamalaki ko kayo..

Siyam na buwan tayong dala-dala sa sinapupunan nila pero habang buhay na tayong nakatatak sa puso nila.

Sana, hindi lang sa araw na ito natin ipinapakita at ipinapalasap sa ating mga ina kung gaano natin sila kamahal at kung gaano sila kahalaga sa buhay natin.

Wala na siguro silang mahihiling pa kundi ang makitang nasa mabuti at maayos na buhay ang kanilang mga anak.

Happy Mother's Day sa aking mahal na Mama at sobrang mahal na mahal ko po kayo.