Wednesday, June 22, 2011

Agarang solusyon sa problema.. Dighay

Problema: Pag dumidighay po ako, amoy pagkain po ito lalo na pagkatapos kong kumain. Ano po kaylangan kong gawin kasi nahihiya po ako sa mga kasama ko.

Solusyon:
Ang pagdighay ay sinasabing isang senyales na ang tao ay busog na.

Mga tips para di ikahiya ang pagdighay:

1. Pagkatapos kumain, uminom ng pabango ng sa gayon pag dighay mo...hmmm, ang bango.
2. Sabayan mo ng pag utot ang dighay mo para mas lumitaw ang amoy ng utot kesa hangin na galing sa bibig mo.
3. Pag dighay mo, takpan mo ang ilong ng kausap mo at sabay tanungin sya kung nagpa nose-lift ba sya.
4. Sabihin mo sa mga kasamahan mo maglaro kayo. Ang tawag sa game nyo ay "Name that food".. sabay dumighay ka at tanungin sila kung anong ulam yon.

Sana'y nabigyan ko ng sapat na kasagutan ang inyong problema. Kaya't wag ng mangamba. Ang bawat problema ay may katapat na mga solusyon.

Mga tips ko lang naman para sa inyong problema.

Agarang Solusyon sa Problema.. Kuyakoy

Problema: Paano ba maiiwasan ang pagkuyakoy? Kahit kasi nasa public place ako ay di ko maiwasang di kumuyakoy.

Solusyon:
Ang pagkuyakoy ay ang pagclose-open ng iyong mga hita. Sabi nila pag mahilig ka daw manguyakoy, ikaw daw ay mahilig sa... kuyakoy.

Paraan upang maiwasan ang pagkuyakoy:

1. Imbes na magsuot ka ng belt sa bewang, try mong gamitin ito sa iyong hita. Ipalupot mo to sa iyong hita at pihadong tanggal ang pagkuyakoy mo.

2. Kumuha ng tubo na may habang 12" at ilagay ito sa pagitan ng iyong hita..pa-horizontal ang lagay. Babala: Wag mong itry kumuyakoy kung ayaw mong tumusok ang tubo sa hita mo..ouch!

3. May paraan din para instant tigil kuyakoy..kumuha ng lagare at ipalagare mo sa kaibigan mo ang hita mo..kung pwede hanggang singit..presto! wala ng kuyakoy..wala na rin ang binti mo.

Sana'y nabigyan ko ng sapat na kasagutan ang inyong problema. Kaya't wag ng mangamba. Ang bawat problema ay may katapat na mga solusyon.


Mga tips ko lang naman para sa inyong problema.

Adobo


Noong unang dating ko dito sa Amerika, di ko alam ang lulutuin kong pagkain para sa asawa ko. Iba kasi ang mga trip nilang pagkain. Sinubukan kong magluto ng Adobo..bahala na. Dahil sa mahilig sya sa spicy food, nilagyan ko ito ng Jalapeno. Ayun at halos araw-araw gusto na nya ng kanin at adobo. Dahil ayaw ko namang maumay sya sa lasa ng adobo, sinubukan kong magluto ng adobo sa iba't-ibang paraan. 


Kaakibat na nga ng bawat Pilipino ang pagkaing "ADOBO". 


Ang Adobo ay isang kilalang pagkain dito sa Pilipinas kahit na ang salitang "Adobo"  ay nagmula sa salitang kastila, ang proseso ay mula pa sa katutubo o sinaunang paraan ng pagluluto ng mga Pilipino. 


Noong sakupin ng mga Kastila ang Pilipinas, naranasan nila ang sinaunang paraan ng pagsasangkutsa sa pagluluto na ginagamitan ng suka. Ito ay tinawag nilang "Adobo" na ang ibig sabihin sa Kastila ay seasoning o marinade.


Karaniwang baboy o manok o pinaghalong baboy at manok ang karaniwang sangkap ng Adobo. Niluluto ito sa suka, toyo, dahon ng laurel at paminta. 


Sa ngayon, may ibat-ibang paraan na ng pagluluto ng Adobo bukod sa mga pangunahing sangkap nito. Hindi ko na din mabilang ang iba't-ibang putahe na magagawa mula sa adobo. Nandyan ang lagyan ng gata, nilagang itlog, adobong sitaw, adobong pusit at marami pang iba. 








Ayan at ginutom tuloy ako..kain muna tayo..Happy ADOBO eating :)