Bakit ba kada kilos na lang natin, wala na tayong bukambibig kundi reklamo? Mula paggising hanggang pagtulog.
Paggising mo pa lang, imbes na magpasalamat ka, reklamo na kagad ang sinasabi mo. "Nakakainis naman at nagising ako sa tilaok ng manok." E kung di ka na kaya nagising? Gusto mo?
Pagpasok ng trabaho, reklamo pa din.."Hay, Lunes na naman, kakatamad pumasok"..buti ka nga at may trabaho ka. Ikaw kaya pumila at makipag gitgitan ng ilang oras sa job fair para lang makakuha ng work? Like Mo?
Sa pagkain mo.."Ano ba yan, isda na naman. Tutubuan na ko ng kaliskis nyan e." Eh kung tubuan ka kaya ng ibat-ibang sakit dahil pagpag o kaya panis na pagkain ang kinakain mo tulad na lang ng mga batang kalye na namumulot lang sa basura ng kanilang makakain? Bet mo?
Sa pagpasok sa school.. "Ano ba yan, daming aaralin, kainis". Buti ka nga nakakapag aral ka..pano na kaya yung mga gustong mag aral kaso walang pampaaral dahil kapos sila O kaya nag aaral nga pero nagtitiis sa liwanag ng buwan para lang makapag aral?
Sa pag uwi mo ng bahay sakay ng fx.."Ang sikip naman". Pano pa kaya yung mga naglalakad na lang makauwi lang ng bahay dahil walang perang pansakay sa fx o jeep? Try mo lang one time..
Sa pagtulog naman.. "Ano ba yan, ang tigas ng kama ko". Kumusta naman diba yung mga batang natutulog sa semento na wala man lang kahit anong papag na tinutulugan o kumot man lang? Ikaw kaya matulog sa ilalim ng tulay o gilid ng kalsada. I dare you.
At marami pang maliliit na bagay ang nirereklamo mo na para bang ikaw na ang pinaka malas na tao sa buong mundo.
Bago ka magreklamo, isipin mo muna ang mga tao sa paligid mo na ipinagpapasalamat ang mga maliliit na bagay na nararanasan nila.
Magpasalamat ka at nagising ka at binigyan ka na naman ng panibagong araw.
Magpasalamat ka dahil may trabaho kang pinapasukan.
Magpasalamat ka dahil nakakakain ka ng 3 beses sa isang araw.
Magpasalaat ka dahil nakakapag aral ka.
Magpasalamat ka dahil may nasasakyan ka pauwi.
Magpasalamat ka dahil may natutulugan ka.
Higit sa lahat, magpasalamat ka at sinulat ko to para marealize mo na swerte ka pa rin. Subukan mong magreklamo sa ginawa ko..one time lang.. i dare you..baka di ka na magising bukas! :)
No comments:
Post a Comment