Saturday, June 18, 2011

Natatanging Ama

Ngayong Father's Day, nais ng bawat anak na makasama nila ang kanilang ama sa araw na ito. Isa na ko sa mga nag aasam na sana ay kasama ko ang papa ko ngayon.

Pero kahit na nasa parehong bansa kami ng aking ama, di pa rin posible na makasama ko sya ngayon. Gayunpaman, iniisip ko na lang na araw-araw ay Father's Day. At para ano pa ang silbi ng cellphone kung di ko rin lang gagamitin pantawag sa kanya. Kung gusto may paraan diba?

Sino nga ba ang aking ama sa mga taong nakapaligid sa kanya? Kumbaga sa artista, maraming sumusuporta sa kanya at may mangilan-ngilan ding detractors ang bida.

Vice, Pre, Pareng Dewey, Mang Dewey, Ninong Dewey, Mr. Camaso..ilan lang yan sa bansag sa kanya ng ibat-ibang tao na nakakasalamuha nya. Pa, Pader, Papa..yan naman ang tawag naming magkakapatid sa kanya.

Di alam ng maraming tao na ang aking ama ay isang ulirang ama. Nung bata pa kami, kahit kapos sa pera, gagawin nya lahat ng makakaya nya, katuwang ang aking ina maibigay lang sa amin ang simple ngunit kuntentong buhay.

Naalala ko pa noon nung naging pulitiko sya sa probinsya namin, halos wala syang maiuwing pera sa amin kasi maya't maya ay may humihingi ng tulong pinansyal sa kanya..bigay doon, bigay dito. At masasabi kong di kaylan man gumawa ng labag sa utos ng Diyos ang aking ama nung may katungkulan pa sya. Kasi isang pirma lang nya sa bawat proyekto, instant millionaire na sana kami. Tama na sa amin ang simpleng buhay na pinaghirapan.

Nung nawala na sya sa pulitika, doon nasubok ang pagka-ama nya sa amin. Proud akong ipagmalaki na ang tatay ko ang naglalaba at namamalantsa ng damit namin, nagluluto, naglilinis ng bahay, namamalengke..(sa madaling salita, pinalaki akong tamad :)) Kahit wag na daw ako gumawa ng gawaing bahay at magtapos lang daw ako ng pag aaral, masaya na sya. Tinupad ko naman yon at binigyan ko sya ng isang mahalagang bagay para sa kanya..ang diploma.

Hanggang nung magtrabaho sya uli, di pa din sya huminto sa pagigging ulirang ama sa amin. Yun nga lang nabawasan na ang mga gawaing bahay na ginagawa nya kasi huminto na sa pagtatrabaho ang aming ina para asikasuhin kami. Pero gayunpaman, sya pa din ang naglalaba at namamalantsa ng damit ko, naglilinis ng sasakyan, namamalengke, nagluluto. Kahit na 100 na lang ang pera nya sa wallet bago pumasok sa work nya, hahatian pa nya ko ng allowance ko.

Sa mga taong lubos na nakakakilala sa pader ko, isa syang mabuting kaibigan. Kapag may humingi ng tulong sa kanya, hanggat kaya nya, tutulong sya ng walang hinihinging kapalit.

Sa mga detractors naman nya, na halos tapakan nila ang pagkatao ng tatay ko at kung anu-anong pambabatikos ang sinasabi nila sa kanya..eto lang ang masasabi ko sa inyo..YOU CAN NEVER PUT A GOOD MAN DOWN...NEVER!!!

Happy Father's Day Papa.. I will always be your little princess...I love you so much.

No comments:

Post a Comment