Saturday, May 12, 2012

Inay

Ngayon ay araw ng ating mga ina. Nangangahulugan ba itong exempted na sila sa paglilinis nga bahay, pag aalaga ng bata, paglalaba, pamamalantsa at kung anu-ano pa? Pwede bang ibigay na natin sa kanila ang isang araw para sila'y makapagpahinga? Pero para sa ating mga ina, mas gugustuhin nilang gumawa kesa tumunganga.

Kung iisipin natin, hindi madali ang maging isang ina mula simula hanggang sa kasalukuyan.
Try mo kayang bitbitin ang isang malaking pakwan ng siyam na buwan na walang bitawan..kaya mo?

At habang dala-dala mo ang pakwan, try mo gawin ang lahat ng gawaing bahay o magtrabaho sa labas..tignan ko lang kung hindi lumawit ang dila mo sa hirap o di kaya'y mapasigaw ka na lang ng "I Quit!!!".


Pero kaya nga tayo nandito sa mundo kasi alam natin na di sumuko ang ating mga ina since day 1 hanggang ngayon. Wala na sigurong mas sasaya pa sa isang ina ang masilayan sa unang pagkakataon ang sanggol na dala-dala nila ng siyam na buwan.


Sinasabi nila na ang pagiging isang ina ang isa sa pinakamahirap na trabaho sa mundo. Mahirap pero masaya nilang ginagampanan ang tungkulin ng pagiging isang ina.

Sakripisyo..isang salita na di na iba sa ating mga ina maibigay lang ang lahat para sa kanilang anak. Sakripisyo sa oras, sa trabaho, sa pagpapalaki at pag aaruga sa atin. Di nila alintana ang hirap maipalasap lang sa atin kung gaano nila tayo kamahal. Tinitiis nila ang anu mang hirap na dumarating sa buhay nila kahit na minsan ay nasasaktan na sila ngunit patuloy pa rin nila tayong iniintindi at inuunawa.

Inay, Nay, Mommy, Mother, Mudra, Mom, Mama, Mamadu..yan ay ilan lamang sa bansag natin sa ating mahal na ina. Iba't-ibang tawag pero iisa lang ang kahulugan..sya ay ang ating nag iisang ina na walang sinuman o anumang bagay ang maihahalintulad sa kanya.

Saludo ako sa lahat ng ina at tunay ngang maipagmamalaki ko kayo..

Siyam na buwan tayong dala-dala sa sinapupunan nila pero habang buhay na tayong nakatatak sa puso nila.

Sana, hindi lang sa araw na ito natin ipinapakita at ipinapalasap sa ating mga ina kung gaano natin sila kamahal at kung gaano sila kahalaga sa buhay natin.

Wala na siguro silang mahihiling pa kundi ang makitang nasa mabuti at maayos na buhay ang kanilang mga anak.

Happy Mother's Day sa aking mahal na Mama at sobrang mahal na mahal ko po kayo.


Sunday, April 1, 2012

Certified Facebook Addict

Facebook addict ka kung:

1. Paggising mo sa umaga, bukas kagad ng fb ang inuuna mo.
2. Pinopost mo kagad kung ano ulam nyo sa almusal, tanghalian at hapunan with pictures pa nga kung minsan.
3. Pinopost mo kung ano ginagawa mo sa maghapon without exception..yun bang pati pag ligo at kung anu-ano pang ginagawa mo sa bathroom e pinopost mo.
4. Pinopost mo kagad kapag natapilok ka, inuubo ka, sinisipon at kung anu-ano pa. Kulang na lang pati pangungulangot o pagtanggal mo ng tutuli e ipost mo.
5. Palit kagad ng status kapag may bago kang crush, gf/bf, pag naghiwalay kayo at kung kumplikado ang sitwasyon ng relasyon mo.
6. Comment ka kagad pag may nagpost ng status nila na nakaattract ng attention mo lalo na sa mga pictures na nakakaaliw.
7. Update status kagad pag galit ka, masaya ka at nagbabaliw-baliwan ang drama mo sa araw-araw.
8. Nakikibati ka ng Happy Birthday, Happy Anniversary at kung anu-ano pang okasyon ng mga friends mo.
9. Post ka kagad ng pictures ng mga lugar na pinuntahan mo tulad ng restaurant, mall, groceries at pati sa sementeryo di pinapatawad.
10. Pag may nagustuhang post ng friends, hit kagad ang "Like" button.

Certified Facebook Addict ka ba?

Babala: Ito ay kathang isip ko lamang at wag magimbal. Kumunsulta sa espesyalista kung meron kang sintomas ng alin man sa mga nabanggit na dahilan.

Wednesday, March 14, 2012

Reckless Drivers!!!

May mga taong kala mo kanila ang kalsada pag nagmamaneho.Di nila alintana ang panganib na dala ng kanilang pagwawalang bahala.
Parang proud pa silang matawag na "reckless driver."


Deadma sila sa mga traffic signs...
Hindi hihinto sa "Stop" sign,
Kakaliwa sa "No Left Turn" sign,
Magpapatakbo ng 75 sa "Speed Limit" na 50,
at papasukin ang "Do Not Enter".



 Minsan natatakasan nila si Manong Police..
Pero minsan, sapul ka nya!!!




Kaya para sa inyong matitigas ang ulo
at mga nakikiuso sa pagmamaneho,
eto ang babala ko sa inyo...



At pag hindi pa nadala sa aksidenteng dulot ng katigasan ng ulo
baka sa ganito ang bagsak mo...


May you rest in peace reckless drivers!!!

Friday, August 19, 2011

Payabangan ng Sosyal, Pasosyal at Praktikal


Sa pagbili ng wallet/purse:
Sosyal: I got a new Hermes purse. (Expensive..)
Pa-sosyal: I bought bagong LV  wallet. (kala ko Louis Vuitton..Luz Valdez pala)
Praktikal: Ganda ng bago kong Seiko na pitaka. (Seiko, Seiko Wallet..ang wallet na maswerte)

Sa pagbili ng slippers:
Sosyal: I have this expensive Havaianas flip-flops.
Pa-sosyal: I got 20% disount sa Islander ko that I bought sa SM.
Praktikal: Wala yan sa tsinelas ko..Spartan. Buy 1 take 1 pa.

Sa pagpili ng damit:
Sosyal: I prefer Versace clothes.
Pa-sosyal: Yes to Penshoppe.
Praktikal: Ukay-ukay sa kanto.

Sa pabango:
Sosyal: Imperial Majesty, which costs $215000/ bottle, is the most expensive perfume in the world.
Pa-sosyal: Sweet Honesty by Avon..installment pa ang payment.
Praktikal: Johnson's Baby Cologne..kahit saan, available.

Sa inuman:
Sosyal: Waiter, can I order a bottle of 1811 Chateau d’Yquem?
Pasosyal: Waiter, paorder nga ng one bottle ng Smirnoff.
Praktikal: Pabili..isang bote ng Gin bilog.

Tattoo:
Sosyal: My tattoo is made of 612 Shimansky diamonds encrusted on my back with a water based adhesive.
Pasosyal: They used Henna para sa tattoo ko sa back.
Praktikal: Pentel pen lang katapat nyan.

Sa pagkain ng seafoods:
Sosyal: I love Almas Caviar which is the most expensive food in the world.
Pasosyal: Super like ko ang Crab, which is expensive din.
Praktikal: Tuyo pa din ako..mahal din naman..limang piso para sa isang plastik.









Saturday, August 6, 2011

Tamad!

"Ako'y isang tamad
sa puso't diwa
tamad na isinilang
sa ating bansa."

"Ang hindi raw marunong maglaba
sa sariling batya
ay higit pa ang amoy sa
mabahong isda."

Actually, di naman talaga ako tamad.
Iniipon ko lang ang lakas ko para sa darating na bukas.
Pagdating ng kinabukasan, bahala na kung sisipagin ako.
Pag sinipag ako, edi maigi..pag hindi, nasa huli ang pagsisisi.

Magsisi man ako, huli na ang lahat.
Magsipag man ako ngayon, ako din ang mahihirapan.
E kasi naman..
Pinalaki akong isang TAMAD!

Maglaba, maglinis ng bahay, maghugas ng plato..
Hate ko ang mga ito.
Kumain at matulog..
Ito ang trip ko.

Isang araw nagulat ako
bigla-bigla, sinipag ako.
Kama at kutsara,
Baboo na sa buhay ko.

Ngunit maya-maya nagising ako
Isang masamang panaginip lamang pala ito
Hay, buti na lang at hindi totoo
Kasi pag nagkataon, magpapamisa ako.

Wednesday, June 22, 2011

Agarang solusyon sa problema.. Dighay

Problema: Pag dumidighay po ako, amoy pagkain po ito lalo na pagkatapos kong kumain. Ano po kaylangan kong gawin kasi nahihiya po ako sa mga kasama ko.

Solusyon:
Ang pagdighay ay sinasabing isang senyales na ang tao ay busog na.

Mga tips para di ikahiya ang pagdighay:

1. Pagkatapos kumain, uminom ng pabango ng sa gayon pag dighay mo...hmmm, ang bango.
2. Sabayan mo ng pag utot ang dighay mo para mas lumitaw ang amoy ng utot kesa hangin na galing sa bibig mo.
3. Pag dighay mo, takpan mo ang ilong ng kausap mo at sabay tanungin sya kung nagpa nose-lift ba sya.
4. Sabihin mo sa mga kasamahan mo maglaro kayo. Ang tawag sa game nyo ay "Name that food".. sabay dumighay ka at tanungin sila kung anong ulam yon.

Sana'y nabigyan ko ng sapat na kasagutan ang inyong problema. Kaya't wag ng mangamba. Ang bawat problema ay may katapat na mga solusyon.

Mga tips ko lang naman para sa inyong problema.

Agarang Solusyon sa Problema.. Kuyakoy

Problema: Paano ba maiiwasan ang pagkuyakoy? Kahit kasi nasa public place ako ay di ko maiwasang di kumuyakoy.

Solusyon:
Ang pagkuyakoy ay ang pagclose-open ng iyong mga hita. Sabi nila pag mahilig ka daw manguyakoy, ikaw daw ay mahilig sa... kuyakoy.

Paraan upang maiwasan ang pagkuyakoy:

1. Imbes na magsuot ka ng belt sa bewang, try mong gamitin ito sa iyong hita. Ipalupot mo to sa iyong hita at pihadong tanggal ang pagkuyakoy mo.

2. Kumuha ng tubo na may habang 12" at ilagay ito sa pagitan ng iyong hita..pa-horizontal ang lagay. Babala: Wag mong itry kumuyakoy kung ayaw mong tumusok ang tubo sa hita mo..ouch!

3. May paraan din para instant tigil kuyakoy..kumuha ng lagare at ipalagare mo sa kaibigan mo ang hita mo..kung pwede hanggang singit..presto! wala ng kuyakoy..wala na rin ang binti mo.

Sana'y nabigyan ko ng sapat na kasagutan ang inyong problema. Kaya't wag ng mangamba. Ang bawat problema ay may katapat na mga solusyon.


Mga tips ko lang naman para sa inyong problema.